Sagot :
Answer-1. Mga Pangyayaring Nagbigay-daan sa Pag-usbong Ng Europe sa Panahong Medieval Ang Paglakas ng Simbahang Katoliko Bilang Isang Institusyon sa Gitnang Panahon Ang Holy Roman Empire Ang Paglunsad ng mga Krusada Ang Buhay sa Europe Noong Gitnang Panahon (Piyudalismo , Manorialismo, Pagusbong ng mga Bayan at Lungsod
2. Apat ang pangunahing salik na nagbibigay- daan sa paglakas ng kapangyarihan ng Papa sa Rome. Pangunahin na rito ang pagbagsak ng Imperyong Roman na siyang nagbunsod sa kapangyarihan ng kapapahan
3. Noong mga unang taon ng Kristiyanismo, karaniwang tao lamang ang mga pinuno ng Simbahan na nakilala bilang mga presbyter na pinili ng mga mamamayan. Mula sa mga ordinaryong taong ito lumitaw ang mga pari at ang mga hirarkiya.
4. CONSTANTINE THE GREAT PAPA LEO THE GREAT ( 440- 461) •Pinagbuklod-buklod niya ang lahat ng mga Kristiyano sa buong imperyo ng Rome at ang Konseho ng Nicea na kaniyang tinawag •Pinalakas ni Constantine ang kapapahan sa pamamagitan ng Konseho ng Constantinople. Sa kapulungan ito, pinag uri ng mga obispo ang ibat- iang malalaking lungsod sa buong imperyo. Gayundin, pinili ang Rome bilang pangunaghing diyosesis at dahil dito. Kinilala ang obispo ng Rome bilang pinakamataas na pinuno ng Simbahang Katoliko Roman. •Binigyang-diin niya ang Petrine Doctrine, ang doktrinang nagsasabing ang obispo ng Rome, bilang tagapagmana ni San Pedro, ang tunay na pinuno ng Kristiyanismo. Sa kanilang mungkahi, ang emperador sa kanlurang Europe and nag utos na kilalanin ang kapangyarihan ng obispo ng Rome bilang pinakamataas na pinino ng simbahan.
5. PAPA GREGORY I PAPA GREGORY VII •Iniukol niya ang kaniyang buong kakayahan at pagsisiskap sa paglilingkod bilang pinuno ng lungsod at patnubay ng simbahan sa buong Kanlurang Europe. •Sa kanyang pamumuno naganap ang labanan ng kapangyarihan sekular at eklesyastikal ukol sa power of investiture o karapatan magkaloob ng tungkulin sa mga tauhan ng simbahan noong kapanahunan ni Haring Henry IV ng Germany.
6. Binubuo ang mga monghe ng isang pangkat ng mga pari na tumalikod sa makamundong pamumuhay at nanirahan sa mga monesteryo upang mamuhay sa panalangin at sariling disiplina. Sila ang mga regular na kasapi ng mga pari at itinuturing na higit na matapat kaysa mga paring sekular. Tuwirang nasa ilalim lamang ng kontrol at pangangasiwa ng Abbot at Papa ang mga monghe.
7. Isa sa mga mayor ng palasyo si Charles Martel, ang nagsikap na pag-isahin ang France. Tinalo niya ang mga mananalakay na Muslim. Mula noon, hindi na nagtangkang sakupin ang Kanlurang Europe. Si Pepin the Short ang unang hinirang na hari ng France. Noong 768, humalili kay Pepin ang anak na si Charlemagne o Charles the Great, isa sa pinakamahusay na hari sa Medieval Period.
8. Ang Krusada ay isang ekspedisyong militar na inilunsad ng Kristiyanong Europeo dahil sa panawagan ni Pope Urban II noong 1095. Ito ay isang banal na labanan ng mga relihiyong Europeo laban sa mga Turkong Muslim na sumakop sa banal na pook sa Jerusalem. Mula sa Jerusalem balak salakayin ng mga Turkong Muslim ang Imperyong Byzantine kaya humingi ng tulong ang Emperador ng Byzantine sa Papa sa Rome lalo pa at sa pagsalakay na ito ay mapalaganap ang reliyihong Islam.
9. Mula sa ika siyam hanggang ika 14- na siglo, ang pinakamahalagang anyo ng kayamanan sa Europe ay lupa. Kinakailangan pangalagaan ang pagmamay-ari ng lupa. Pangunahing nagmamay-ari ng lupa ang hari. Dahil sa hindi niya kayang ipagtanggol ang lahat ng kaniyang lupain, ibinahagi ng hari ang lupa sa mga nobility o dugong bughaw. Ang mga dugong bughaw ay nagiging vasal ng hari. Ang hari ay isang lord o panginoon may lupa. Ang iba pang tawag sa lord ay liege o suzarian. Samantala ang lupang ipinagkaloob sa vassal ay tinatawag na fief.
10. Ang Piyudalismo sa Gitnang Panahon ay nag ugat sa paghahati-hait ng Banal na Imperyo ni Charlemagne batay sa kasunduan sa Verdum. Mahihinang tagapamahala ang mga tagapagmana ni Charlemagne kaya ang mga opisyal ng pamahalaan at mga may-ari ng lupain ay humihiwalay sa pamumuno ng hari. Naibangon muli ang mga lokal na pamahalaan na ngayon ay pinapatakbo ng mga maharlika katulad ng mga konde at duke.
Explanation: Mark me as a brainliest if i help u :D