Sagot :
Answer:
Ang sanaysay ay isang uri ng sulatin na nilalaman ng personal na mga opinyon. Mayroon itong tatlong bahagi. Ito ay ang mga sumusunod:
Panimula o Introduksyon
Katawan o Nilalaman
Wakas o Konklusyon
Panimula o Introduksyon
Ang panimula o intoduksyon ang pinakamahalagang bahagi ng sanaysay dahil nakasalalay dito kung ipagpapatuloy ng isang mambabasa ang sanaysay o hindi. Kaya kadalasang isinusulat dito ang mga nakapupukaw-interes na mga salita upang makuha ang atensyon at ganahan sa pagbasa hanggang sa matapos ito.
Katawan o Nilalaman
Ang Katawan o Nilalaman nito ang mga mahahalagang katotohanan ng isang paksa. Sinasagot din dito ang mga ibinangong tanong sa panimula. Nagtatawid din ito ng mga mahahalagang impormasyon para talakayin ang problemang bumabangon sa paksa.
Maaaring ang nilalaman ay ang mga sumusunod:
Ebidenysang nakalap
Proseso
Lohika o Kronolohiya
Wakas o Konklusyon
Ito ang huling bahagi na nagbubuod ng buong paksa. Kung minsan ay nagtatawid din ito ng mga mahalagang rekomendasyon kung kinakailangan. Ang sanaysay ay magiging isang mas matinding paninindigan kung may konklusyon.
Explanation: