Basahin ang mga pangungusap. Isulat sa patlang kung ang may salungguhit na salita ay ginamit na pang-abay o pang-uri. Ang tatay ni Doris ay isang matiyagang manggagawa sa Saudi Arabia. Matiyagang naghahanapbuhay ang tatay ni Doris sa Saudi Arabia. Maayos ang pila ng mga deboto sa prusisyon. Idinaos nang maayos ang prusisyon ng mga deboto. Madaling nakumpuni ng magkapatid ang sirang bubong. Ang pagkumpuni ng sirang bubong ay madali para sa magkapatid. Ang buhay ng mag-anak na Santos sa probinsiya ay maginhawa. Ang mag-anak na Santos ay maginhawang namumuhay sa probinsiya. Magalang ang bata sa kanyang guro. Magalang niyang binati ang kanyang guro.