👤

1. Noon, kung gustong hiwalayan ng lalaki ang kaniyang asawa ay maaari niya itong gawin sa
pamamagitan ng pagbawi sa ari-ariang ibinigay niya sa panahon ng kanilang pagsasama. Subalit
kung ang babae ang magnanais na hiwalayan ang kaniyang asawa, ano ang maaaring mangyari?
A. Maaari siyang magsampa ng demanda. B. Wala siyang makukuhang anumang pag-aari.
C. Makukuha niya ang kostodiya ng kanilang mga anak.
D. Mababawi niya ang mga ari-ariang ibinigay sa kaniya sa panahon ng kanilang pagsasama.
2. Sa panahong pre-kolonyal, ang mga babae ay maaaring patawan ng kamatayan ng kanilang
asawa sa oras na makitang may kasamang ibang lalaki. Samantalang, ang mga lalaki ay
pinapayagang magkaroon ng maraming asawa. Ano ang ipinahihiwatig nito?
A. May pantay na karapatan ang lalaki at babae.
B. Ang babae ay maaari lamang mag-asawa ng isa.
C. Ang lalaki ay maaaring magkaroon ng maraming asawa.
D. Mas malawak ang karapatang tinatamasa ng kalalakihan noon kaysa sa kababaihan.
3. Anong yugto sa kasaysayan ng gender roles sa Pilipinas ang nagbigay-karapatan sa mga
kababaihan na bumoto?
A. Panahon ng Amerikano
C. Panahon ng Hapones
B. Panahon ng Espanyol
D. Panahong Pre-Kolonyal
4. Ang sumusunod ay mga gampanin ng babae at lalaki sa panahon ng pre-kolonyal maliban sa isa,
ano ito?
A. Tungkulin ng kalalakihang ibigay sa kanilang asawa ang kinita sa paghahanapbuhay.
B. Kung ang babae ang magnanais na hiwalayan ang kaniyang asawą, wala siyang makukuhang
ari-arian.
C. Ang kababaihan sa Pilipinas noon, maging sila man ay kabilang sa pinakamataas na uri o sa
uring timawa sa kanilang lipunan ay pagmamayari pa din sila ng mga lalaki.
D. Ang mga lalaki ay pinapayagang magkaroon ng maraming asawa, subalit maaring patawan ng
parusang kamatayan ang asawang babae sa sandaling makita niya itong may kasamang ibang
lalaki.
5. Ano ang pangunahing layunin ng pagsasagawa ng FGM?
A. Upang maging malinis ang mga kababaihan
B. Upang hindi mag-asawa ang mga kababaihan
C. Upang makasunod sa kanilang kultura at paniniwala
D. Upang mapanatiling walang bahid dungis ang babae hanggang siya ay maikasal​