👤

nagbibigay ito ng kabuluhan o kalidad ng buhay ng tao​

Sagot :

Pagpapahalaga:

Ang pagpapahalaga ay nagbibigay ng kabuluhan o kalidad ng buhay ng tao. Ito ay nagmula sa salitang Latin na valore na ang ibig sabihin ay malakas o matatag sa pagbibigay - halaga sa anumang bagay na  tunay na may saysay o kabuluhan. Ang isang tao ay kailangang maging malakas o matatag at pagiging makabuluhan o pagkakaroon ng saysay o kabuluhan.

Ang isang halimbawa ng pagpapahalaga ay ang pagpapahalaga sa pag - aaral. Masasabing pinahahalaghan ang pag - aaral kung ito ay pinaglalaanan ng ibayong pagsisikap at pagtitiyaga na may kasamang sakripisyo. Hindi ito maaaring maangkin kung hindi magiging matatag o malakas sa pisikal at pangkaisipan o emosyonal ang isang tao.

Ano ang mga halimbawa ng pagpapahalaga: https://brainly.ph/question/1147821

#Let'sStudy