👤

Mag bigay ng limang pang abay.

Mag bigay ng limang pandiwa

PA answer Lang sa may alam
Report the wrong answer


Sagot :

Mag bigay ng limang pang abay.

1.kahapon

2. kanina

3. bukas

4. siguro

5. marahil

Ang pang abay ay may koneksyon SA pandiwa

Mag bigay ng limang pandiwa.

1. naglaro

2. nag babasa

3. lumangoy

4. tumakbo

5. naglakad

Ang pandiwa ay salitang kilos o galaw or in English verb it means action word.

#CarryOnLearning

Kasagutan

Limang halimbawa ng pang-abay

  • Sinuntok ako ng malakas ni Kaloy.
  • Siguro hindi na uli ako pupunta sa lugar nina Ana.
  • Tunay nga na napakarangal na bayani ni Jose Rizal.
  • Hindi na muli ako sasama sa iyo.
  • Saan po kaya maaaring makakuha ng ganitong prutas?

Limang halimbawa ng pandiwa

  • Ako ay naglalakad papuntang eskuwelahan.
  • Dapat tayong uminom ng walang tubig na tasa kada araw.
  • Dali daling tumakbo si Joy sa kanilang tahanan dahil sa nakita niyang tao sa tulay
  • Napakaraming tao na pala ang nagsisiligo sa dagat na iyong,diba mapanganib doon!
  • Natutulog si Mario sa kalagitnaan ng klase niya kay Mrs.Tolentino.

Ano nga ba ang pang-abay at pandiwa?

Pang-abay

  • Ang pang-abay ay salitang naglalarawan sa pandiwa,pang-uri at kapuwa pang-abay

9 uri ng pang-abay

1.Pang-abay na Pamanahon

  • Ang pang-abay na pamanahon ay nagbibigay turing sa kilos ng pandiwa. Ito ay nagsasaad kung kailan ginawa, ginagawa, o gagawin ang kilos.

2. Pang-abay na Pamaraan

  • Ang pang-abay na pamaraan ay nagsasaad kung paano isinagawa ang kilos ng pandiwa sa pangungusap.

3. Pang-abay na Panlunan

  • Ang Pang-abay na Panlunan ay nagsasaad ay tumutukoy sa pook kung saan naganap ang kilos o pangyayari.

4. Pang-abay na Pang-agam

  • Ang pang-abay na pang-agam ay nagsasaad ng hindi lubusang katiyakan tungkol sa isang bagay o kilos.

5. Pang-abay na Panang-ayon

  • Ang pang-abay na panang-ayon ay nagpapakita ng pagsang-ayon sa isang bagay o pangyayari.

6. Pang-abay na Pananggi

  • Ang pang-abay na pananggi ay nagsasaad ng pag tutol sa kilos na ginawa, ginagawa, o gagawin pa lamang.

7. Pang-abay na Pamitagan

  • Isa sa mga uri ng pang-abay na kadalasan makikita sa mga pangungusap ay ang pang-abay na pamitagan. Ito ay nagpapakita ng paggalang.

8. Pang-abay na Pampanukat

  • Ang pang-abay na pampanukat ay nagbibigay turing sa sukat, bigat, o timbang ng isang tao o bagay.

9. Pang-abay na Panulad

  • Isa pang uri ng pang-abay ay ang pang-abay na panulad. Ayon sa Answers, ito ay nagsasaad ng pagkakatulad o paghahambing ng dalawang tao, bagay, pook, o pangyayari.

Ano naman ang kahulugan ng pandiwa?

  • Ang pandiwa ay ang bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw ng simuno ng pangungusap. Ito ay maaring kilos o galaw ng tao, hayop, o bagay. Sa Ingles, ang katumbas ng pandiwa ay verb.

#CARRYONLEARNING =)