👤

Gumawa ng akrostik sa salitang
M-
A-
G-
S-
A-
S-
A-
K-
A-​


Sagot :

Answer:

M-alawak at masukal na lupaing kanyang nililinang,

A-yuda niya'y di matatawaran, lahat tayo'y nakikinabang;

G-anap ang layuning dapat mataniman ang lupang tigang,

S-inisinop mga binhi, sinisikap pag yamanin sa parang;

A-bono sa taniman, ito'y pinahahalagahan at handang isalang,

S-aganang ani sa tuwina'y inaasam upang makaabot sa tao ang pakinabang;

A-tensyon ay nakatuon sa kabuhayan, lagi nating katuwang,

K-asipagan niya'y kabayanihang ipinagkaloob sa ating walang kulang,

A-mbag niya sa mamamayan, dakilang gawain sa kanya nakaatang.

sana po makatulong:)