👤

Ano ang pagkakaiba ng denotatibo at konotatibong pagpapahulugan? Magbigay ng limang halimbawa​

Sagot :

Answer:

Ang Denotasyon o Denotatibong pagpapakahulugan ay ang pagbibigay ng literal na kahulugan ng isang salita.

Halimbawa :

Ina - Nanay, Mama, Inay

Ama - Tatay, Papa, Itay

Malas - Hindi suwerte

Malungkot - Busangot ang mukha

Malikot - Magulo

Ang Konotasyon naman o Konotatibong pagpapakahulugan ay ang pagbibigay ng pakahulugan sa isang salita gamit ang sariling pakahulugan o maaari ring gumamit ng parirala o matatalinhagang salita.

Halimbawa :

Ina - Ilaw ng tahanan

Ama - Haligi ng tahanan

Malas - Isinumpa o may balat sa p*wet

Malungkot - Pinagsakluban ng langit at lupa

Malikot - May bulate

Explanation:

sana makatulong.