Sagot :
Answer:
Ang bahagi ng pananaliksik ay nagbibigay-linaw sa mga prosesong dapat gawin sa isang pananaliksik.
Mayroong 4 na kabanata ang pananaliksik.
KABANATA I (Suliranin at Kaligiran)
Rasyunal
- Dito malalaman ang sagot sa tanong na Ano at Bakit. Ano ba ang paksang inaaralan at Bakit ito pinag-aaralan.
Paglalahad ng Suliranin
- Dito nakalagay ang sanhi o layunin ng paksang inaaralan sa anyong patanong .
- Iaanyo itongnangunguna ang pangkalahatang layunin na susundan ng 3 o higit pang mga tiyak na layunin.
Kahalagahan ng Talakay
- Dito bibigyang kahulugan ang mga salitang mahahalaga o pili naginagamit sa pananaliksik.
Batayang Konseptwal
- Dito nakalagay ang teoryang pagbabatayan ng pag-aaral.
Saklaw at Limitasyong ng Pag-aaral
- Dito nakasaad ang lawak at limitasyong ng pinag-aaralan.
KABANATA II (Metodo Ng Pananaliksik)
Disenyo ng Pananaliksik
- Nililinaw sa bahaging ito ang ginamit nadisenyo ng pananaliksik
Respondente
- Dito inalalahad ang eksaktongbilang ng mga sumagot sa inihandang kwesyoner- sarvey.
Instrumento ng Pananaliksik
- Dito nakikita ang mga ginamit na instrumento sa pag survey sa mga respondente katuald ng “questionnaire”.
Tritment ng mga Datos
- Nakalagay dito ang simpleng statistik na mga na kuhang datos galing sa respondente
KABANATA III (Pagsusuri at Interpretasyon ng Datos)
Pagsusuri
- Ito ay nagagawa sa pamamagitan ng pagpapahayag o pagpapaliwanang ng kinalanasan ng pinag-aaralan.
Interpretasyon
- Sa pagbibigay interpretasyon ng kinalabasan ng pag-aaral, ipinahahayag dito ang pansariling implikasyon at resulta ng pananaliksik.
Paliwanag/Pagsusuri
- Dito naka lagay ang paliwanag batay sa interpretasyon ng datos na nakuha sa pananaliksik.
KABANATA IV (Paglalahad Ng Resulta Ng Pananaliksik)
- Dito inilalahad nang isa-isa at malinaw ang mga nagingkasagutan sa bawat suliranin o tanong o layunin na iyong binigay sa simula ng pananaliksik.