Sagot :
Answer:
Ang sarswela ay
isang dulang may kantahan at sayawan, na mayroong isa hanggang limang kabanata,
at nagpakita ng mga sitwasyon ng Pilipino na may kinalaman sa mga kuwento ng
pag-ibig at kontemporaryong isyu. Maaring ihalintulad ang sarsuwela sa isang
realistikong dula, ang kaibihan lamang ay ang ibang linya sa sarsuwela ay
kadalasang kinakanta at patula ang dialogo. Kadalasan ang sarsuwela ay
nagtatapos palagi sa masayang pagwawakas, kasiyahan o nakakaaliw na tagpo. Sa
pamamagitan ng sarswela ay naibahagi ng bawat gumaganap ang mga pangyayari
naganap sa kanilang bawat rehiyon at kanilang nabibigyang malay at dagdag na
kaalam ang iba pang mga Pilipino sa kanilang kultura kaya’t mas napagyayaman at
napapalawak ang ating kultura.