C. Panuto: Lagyan ng tsek / kung ang sumusunod na sitwasyon ay nagpapakita ng pagiging responsable sa kapwa at ekis x kung ito ay hindi nagpapakita ng pagiging responsable sa kapwa. 1. Madalas tumulong sa mga biktima ng kalamidad si Aling Nena. 2. Pinagtatawanan ni Luisa ang kanyang kaklase na nadapa, 3. Binibigay ni Thea ang suporta sa kapatid na sasali sa timpalak. 4. Ayaw pakinggan ni Anna ang paliwanag ng kanyang matalik na kaibigan. 5. Pinakikitunguhan ng maayos ni Rita ang lahat ng bisita.