👤

Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

1. Sa Asya matatagpuan ang relihiyong may pinakamalaking bilang ng tagasunod at kasapi nito. Ito ay
ang relihiyong

A Budismo
B. Kristiyanismo
C. Hinduismo D. Islam

2. Paano nakaimpluwensiya ang relihiyon sa buhay at pamumuhay ng mga Asyano?

A. Batayan ng kagandahang asal.
B. Sandigan ng mga may kabiguan sa buhay.
C. Nagiging idolo ng ilan ang mga nagawa ng kanilang Diyos.
D. Sa pamamagitan ng mga turo, aral at gawain nito, naisasabuhay ito ng bawat isa.

3. Ang Confucianismo ay naniniwala na ang mabuting paraan ng pamumuhay ng isang tao ay magdadala
ng kapayapaan. Saan nakapukos ang mga aral na ito?

A. Pagiging isa sa kalikasan.
C. Paniniwala sa mga hari at Diyos.
B. Paraan ng pamumuhay at ethical teachings. D. Nakapukos sa paniniwalang may iisang Diyos.

4. Ang mga Hindu ay naniniwala sa "Karma". Alin ang totoo sa karma?

A. Pagkakaaroon ng gantimpala kung kabutihan ang nagawa sa kapwa at pagdurusa naman kapag di-
mabuti ang nagawa sa kapwa.
B. Patuloy na makakaranas ng muling pagsilang.
C. Paniniwala na dapat magsikap ang tao sa buhay at dapat ialay sa Diyos.
D. Ang buhay at pagdurusa ay hindi mapaghihiwalay.

5. Alin ang hindi kabilang sa mga pundasyon ng relihiyong Islam na inaasahang sundin ng bawat Muslim?

A. Pagdarasal B. Paglalakbay
C. Pagmamahal D. Pananampalataya

6. Paano mo ilalarawan ang pagkakakilala ng Judaismo at Kristiyanismo sa kanilang Diyos? Piliin ang
paglalarawan.

1. Nagpaparusa sa mga makasalanan.
3. Walang pinagmulan at walang katapusan
2. Matulungin at maunawain sa mabuting tao
4. Walang hanggan ang karunungan at kaluwalhatian.

A. 1,2,3,4
B. 1,3,4
C. 2,3,4
D. 1,2,3

7. Ano ang mas pinahahalagahan ng Legalismo?

A. Pagkamit ng balance sa kalikasan at daigdig.
B. Relihiyon at kaligtasan ng mga nasasakupan.
C. Pagpapabuti sa sarili at pahalagahan ang ugnayan ng bawat isa sa lipunan.
D. Estado na dapat patatagin at palawigin ang kapangyarihan.

8. Sa panahon ng sigalot panrelihiyon ng Hinduismo at Islam umusbong ang relihiyong Sikismo. Ano ang
hangad ng relihiyong ito ni Guru Nanak?

A. Relihiyon para sa Hindu at Muslim.
C. Mawala ang mga turo ng Hinduismo at Islam.
B. Relihiyon na magliligtas sa buong daigdig.
D. Relihiyon para sa pagkakapatiran ng lahat.

9. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahiwatig ng tamang kaisipan ukol sa mga Hapones?

A. Men of prowess o mga lalaking may kakaibang talino, tapang o kaugalian.
B. Sagrado ang kanilang emperador dahil nagmula kay Amaterasu.
C. Kinilala bilang hari ng diyos o hari ng buong daigdig.
D. Ang pamumuno ay ipinagkaloob ng langit.

10. Ang mga sumusunod ay mga kaisipang Asyano maliban sa isa. Alin ang hindi kabilang?

A. Devaraja at Cakravartin
C. White man's burden
B. Divine origin
D. Men of prowess

11. Sa paanong paraan naging maunlad ang mga estado at imperyo hanggang sa kasalukuyan?

A. Dahil sa kasipagan at katalinuhan ng mga tao. C. Dahil sa impluwensiya ng mga kaisipang Asyano.
B. Magagaling ang mga pinuno noon.
D. Nakabatay sa mga prinsipyo ng mga pinuno o hari.

12. Mt. Popa: Myanmar, Mt. Ba Phnom:

A. Pilipinas
B. Thailand
C. Cambodia
D. Indonesia

13. Alin sa mga sumusunod ang hindi isa sa mga tungkulin ng isang Caliph?

A. Pinunong pulitikal B. Pinunong panrelihiyon C. Pangunahin hukom D. Pinuno ng military

14. Ito ang paniniwala ng mga Tsino na sila ang sentro ng sandaigdigan.

A. Kowtow
B. Confucianism
C. Sinocentrism
D. Men of prowess

15. Bakit mahalaga ang bundok at monumentong istraktura para sa mga taga Timog Silangang Asya?

A. Nagbibigay paliwanag sa pinagmulan ng kanilang kaharian.
B. Tahanan ng mga diyos, mahalagang lugar at paraan ng pagkamit ng mga mamamayan ng kabutihan.
C. Ang hari ay pumupunta sa bundok kapag namatay ito.
D. Nagiging gabay sa pagkakaroon ng masaganang ani.​