P Panuto: Basahin ang mga sitwasyon. Piliin ang titik ng tamang sagot 6. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagiging responsable sa kapwa MALIBAN sa A Pangangako kahit mahirap itong gawin B Pagtupad sa mga pangako o kasunduan C Pagiging matapat sa anomang sitwasyon D. Pagpapanatili ng mabuting ugnayan sa kapwa. 7. Natuwa si Jacky ng ibinigay ng kaniyang nanay ang ipinangako nitong bagong cellphone na kaniyang gagamitin sa online class. Ngunit hindi ito ang tatak ng cellphone na kaniyang gusto at ito lang ang nakayanang bilhin ng kaniyang nanay. Naging responsable ba ang nanay ni Jacky? A Opo dahil natuwa si Jacky sa ibinigay ng kaniyang nanay B. Hindi po dahil hindi niya binili ang tatak ng cellphone na gusto ni Jacky C. Hindi po dapat hindi na lang siya bumili para hindi sumama loob ni Jacky. D. Opo, sapagkat tinupad ng nanay ni Jacky ang pangako na bibili siya ng cellphone. 8. Isang linggo na ang lumipas ngunit hindi pa rin isinasauli ng kaibigan ni Coralie ang kaniyang aklat. Ipinangako ito na ibabalik rin kinabukasan mula ng hiniram ito. Kung ikaw si Coralie, ano ang gagawin mo? A Isusumbong ito sa kaniyang magulang upang siya ay mapagalitan. B. lisipin ko na lamang na ito ay nakalimutan niya at hindi sinasadya. C. Tuturuan ko siya na maging responsable at matutong magsauli ng hiniram na gamit sa tamang oras D. Hindi ko na papansinin ang kaibigan upang maramdaman niyang masama ang loob ko sa hindi niya pagsauli ng aking aklat. 9. Ipinangako ng Tatay ni Karen na pagdating niya mula sa trabaho ay tutulungan at gagabayan niya ito sa kaniyang mga gawain sa module. Ngunit dahil sa pagod ay nakatulog na ito pagdating niya sa bahay. Ano sa palagay mo ang dapat na maging tugon Karen dito? A.Sasama ang loob at hindi na muling hihingi ng tulong mula sa aking tatay. B.Kakausapin ang aking tatay hinggil sa nagyayari at sasabihin ang saloobin hinggil dito. C.Ipagsasawalang kibo na lamang ito at humimgi na lamang ng tulong muka sa ibang tao. D.Umiyak na lamang at kalimutan ang nangyayari dahil pagod ang aking tatay mula sa trabaho. 10.Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagiging responsable? A.Si jaypee na isinasauli abg nga gamit na kaniyang hiniram sa takdang oras. B.Si janine na pinapasagutan ang mga gawain sa module sa kaniyang mga magulang C.Si louie na nililibre ang kaniyang kaibigan gamit ang perang ibinibigay ng kanyang mga magulang. D.Si mico na pinapakopya ang sagot niya sa module sa kaniyang mga kaklase upang sila ay hindi na mahirapang pumasa.