Ang batayang turo, aral, at paniniwala ng Hinduismo ay nakabatay sa konsepto ng karma, dharma, pati na ang iba’t ibang uri ng batas moralidad. Nakaugat ang relihiyong ito sa mga sulating Vediko.
Dagdag pa rito, may mga tekstong Hindu na siyang nahahati sa dalawa at siyang pangunahin rin na ginagamit sa Hinduismo – ang Sruti at Smriti.