1. Ang Krusada ay sinasabing bigong tagumpay na ekspedisyon. Bigo dahil sa hindi nabawi ang Banal na Lupain, ang mga sumusunod ay nagsasaad ng pagiging tagumpay nito MALIBAN sa a.Pagkakaroon ng iba’t ibang hangarin sa pagsama sa Krusada b.Pagkilala sa mga produktong Silangan at Kanluran c.Pag-unlad ng mga bayan at lungsod d.Paghina ng sistemang piyudalismo
2.Ang paghikayat sa mga barbaro na maging Kristiyano ay may malaking epekto sa paglakas ng Simbahang Katoliko. Alin sa mga sumusunod ang gumawa nito? a.Obispo b.Panginoong Piyudal c.Kabalyero d.Misyonero
3.Ang manor ay kabuuang lupain na pagmamay-ari ng panginoong maylupa na binubuo ng sakahan, simbahan, kastilyo at maliliit na pamayanan. Masasalamin sa paglalarawang ito na; a.May kani-kaniyang lupain ang mga naninirahan sa loob ng manor. b.Ang lahat ng pangangailangan ng tao ay halos nasa loob ng manor. c.Maraming tao sa loob ng manor d.Maituturing na ang manor ay isang bansa.
4.Ang isang Knight ay nararapat na magtaglay ng katangiang matapang, maginoo, matulungin, matapat at magalang sa kanyang pinaglilingkuran, mahihirap, kababaihan at kabataan. Sa kasalukuyang panahon, alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagiging isang magiting na knight? a. Nilagpasan ni Alex ang isang nurse na naglalakad dahil sa takot na baka ito ay may nakahahawang sakit. b. Bumagsak ang bubungan ng bahay ng kapitbahay ni Allan ngunit tiningnan lamang niya dahil malakas ang ulan. c.Hindi nabigyan ng ayuda ng pamahalaan ang pulubi sa kanto dahil di siya nakalista kayat ibinahagi ni Tessa ang kanilang nakuha d.Binawasan ni Karlo ang mga relief goods na ipapamahagi sa mga tao dahil kaunti lamang ang mabibigyan.
5.Malaki ang ginampanan ng Simbahang Katoliko upang mapanatili angkaayusan at katahimikan sa Europa. Ang mga sumusunod ay ang paraang ginawa ng simbahan MALIBAN sa; a.Paghikayat sa mga barbaro na maging Kristiyano b.Pagpapalaganap ng Kristiyanismo ng mga misyonero c.Pag-iingat sa mga klasikal na karunungan ng mga sinaunang Griyego d.Sandigan ng mga tao ang simbahan sa panahon ng kaguluhan
6.Ang Piyudalismo ay sistemang pulitikal na umiral sa Panahong Midyibal dahil sa pagnanais na maproteksyunan ng mga maharlika ang kanilang mga lupain.Alin sa mga sumusunod ang HINDI naging dahilan ng pagbagsak nito; * a. pag-unlad ng mga bayan na sumalungat sa mga panginoong pyudal b. Pagbibigay pansin sa digmaan at mararangyang pamumuhay c.Pagbibigay ng mga lupain sa mga magsasaka d. Pagkamatay ng mga baron na sumama sa krusada
7.Sa sistemang piyudal, ang mga kababaihan ay mayroong papel na ginagampanan. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kapangyarihang pulitikal ng mga kababaihan? * a.Pagpapakasal sa mas may edad na lalaki b.Pangangasiwa sa kabahayan at sa mga gastusin c.Pagsama sa pangangaso bilang paglilibang d.Pagmamana at pangangasiwa ng mga lupain
8.Ang mga serf ay ang pinakamababang antas sa lipunan sa sistemang piyudal. Sila ang mga manggagawa sa mga lupain na ibinibigay sa mga basalyo ngunit sila ay may karapatan din na tinatamasa. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita nito? * a.Pagsasaka at pagtatanim sa mga lupain ng maharlika. b.Paninilbihan ng buong pamilya sa maharlika. c.Pagmumulta kapag tumanggi sa pagpapakasal sa napili ng panginoong maylupa. d.Hindi maaaring kunin at ipagbili ng panginoong maylupa ang anak ng isang serf.
9.Isa sa mahalagang ambag ng Banal na Imperyong Romano ay ang pagsulong sa kahalagahan ng edukasyon. Alin sa mga sumusunod ang nagpapatunay dito? * a. Pag-utos sa simbahan na ipatupad ang Tithe. b. Pagkontrol sa mga kalupaan mula sa kabundukan ng Pyerenees. c. Pag-utos sa mga pari na magturo. d. Pag-imbita sa mga iskolar ng buong Europa.