👤

ART
II. Tukuyin kung sinong tanyag na pintor ang inilalarawan ng bawat bilang.
1. Si
isang dalubhasang pintor ng mga larawan ng tao at larawan ng mga
pang-araw-araw na gawain na malaya niyang ginamitan ng maliliwanag at sari-saring mga
kulay Karamihan sa kaniyang mga ipininta ay nagpapakita ng kalikasan ng mga luntiang
bukirin, ng maliwanag na sikat ng araw at mabagal na galaw ng buhay sa bukid. Ilan sa
kiniyang mga ipininta ay ang "Planting Rice," "Road by the Sea", at "The First Man"
? Si
ang tinaguriang “The Poet of Angono" dahil sa istilo ng kanyang
pagpipinta. Siya ay isa sa modernistang pintor na lumihis sa itinakdang kumbensyon ng
pagpipinta ni Amorsolo, at nagpasok ng sariwang imahen, sagisag at idyoma sa pagpipinta
Nagpinta siya ng sari-saring myural, gaya sa Bulwagan ng Lungsod ng Maynila at iba pa
3. Si
ay isa ring tanyag na pintor na tinaguriang "Master of the Human
Figure" Gumamit ng sabay-sabay na elemento sa pagpinta na kung saan ay binigyan niya
ng pansin ang mga kultura sa iba't ibang nayon sa bansa. Pinauniad niya ang kaniyang
husay sa pagpapakita ng transparent at translucent technique na makikita sa kanyang mga
obra
4. Si
ang tinaguriang "Father of Modern Philippine Painting", ang kanyang
istilo sa pagpinta ay taliwas sa istilo ni Amorsolo. Siya ay gumamit ng madilim at makulimlim
na kulay sa kanyang mga obra. Ang mga manggagawa ang ginamit niyang tema upang
mabigyang pansin ang sakripisyo na dinaranas ng mga ito.​