👤

Naghuhugas ng mga pinggan si Joy. Sa kagustuhan niyang makatapos agad, pinagpatong-patong at sabay-
sabay din niyang binuhat para ilagay sa lagayan ngunit natisod siya.​


Sagot :

Sitwasyon:

Naghuhugas ng mga pinggan si Joy. Sa kagustuhan niyang makatapos agad, pinagpatong-patong at sabay-sabay din niyang binuhat para ilagay sa lagayan ngunit natisod siya.

Kahihinatnan:

Dahil sa pagkatisod at pagmamadali ni Joy, mahuhulog at mababasag ang lahat ng mga platong dala niya. Dagdag rin na mapapagalitan siya ng kaniyang mga magulang dahil sa hindi niya pag-iingat sa paghuhugas ng pinggan. Masasabi ko na ito ay isang MALING gawain. Kung gugustuhin mo na magmadali upang makatapos ng gawain ay gawin pa rin ito nang buong ingat dahil maaaring masira o may maapektuhan sa pangyayari.

  • Ang sitwasyon ay nagpapakita ng hindi pagiingat at pagiging dalos dalos sa mga kilos. Ito ay pagkawala ng pagtimpi kung saan gusto agad ni Joy na matapos ang gawain. Hindi iyon ang makakabuti para sa sarili at sa ibang maaapektuhan.