B. Panuto: ibigay ang kahulugan ng mga matatalinghagang salita na ginamit sa pangungusap. Titik lamang ng tamang sagot ang isulat. 1. Hindi nakipag-inuman si Jay sa mga kaibigan dahil butas na ang kaniyang bulsa. A. maraming pera B. sira ang bulsa C. walang pera 2. Si Mayor Sara ay bukas ang palad sa mga mahihirap na nangangailangan ng tulong. A. masungit B. matulungin C. malapad ang kamay 3. Si Ronnie ay nilalayuan ng mga kaklase dahil mahangin ang kaniyang ulo. A. mayabang B, mabait C. manloloko 4. Patuloy na nakahiga sa salapi si Don Timoteo dahil sa paglago ng kaniyang mga negosyo. A. salapi ang kama B. hinigaan ang pera C. lalong yumaman 5. Magaan ang dugo ko sa mga taong marunong gumalang sa nakatatanda. A. mahirap pakisamahan B. madaling makapalagayan ng loob C. mahusay magdala ng kaniyang sarili