👤

1. Ito ay direktang nakaaapekto o nakapagbabago ng kalikasan ng isang makataong kilos lalo
na sa papel ng isip at kilos-loob.
a. salik
b. layunin
c. pagkukusa
d. batas

2. Isa ito sa pinakamahalagang elemento ng makataong kilos.
a. Papel sa Lipunan
b. Papel ng Isip
c. Papel ng Puso
d. Papel ng tao

3. Ito ay nadadala o nauuna sa daloy ng kilos sa halip na gamitin ang maingat na pag-iisip.
a. Kamangmangan
b. Gawi
c. Masidhing damdamin
d. Takot

4. Tumutukoy ito sa labis na pagkabalisa dala ng iniisip na masamang kahihinatnan ng mgabagay-bagay.
a. Gawi
b. Karahasan
c. Takot
d. Kamangmangan

5. Mga gawain na paulit-ulit na isinasagawa at naging bahagi na ng sistema ng buhay sa
araw-araw.
a. Karahasan
b. Gawi
c. Kamangmangan
d. Takot

6. Ito ay ang pagkakaroon ng panlabas na puwersa upang pilitin ang isang tao na gawin ang isang bagay na labag sa kaniyang kilos-loob at pagkukusa.
a. Karahasan
b. Takot
c. Gawi
d. Kamangmangan

7. Tumutukoy sa kawalan o kasalatan ng kaalaman na dapat taglay ng tao.
a. Takot
b. Kamangmangan
c. Karahasan
d. Gawi

8. Ang makataong kilos ay maaaring mabawasan o kaya ay mauwi sa pagiging isang
ordinaryong kilos ng tao dahil sa mga salik na nakaaapekto rito.
a. Tama
b. Mali
c. Di- Tiyak
d. Di- alam​