Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1.Anong anyo ng tula ang kadalasang nagtataglay ng sukat tugma at nagtataglay ng makalumang gaw at paksa? A Berso Blangko B. Modernista C. Spoken Word poetry D. Tulang Tradisyonal
2. Anong anyo naman ng tula ang taliwas sa perpektong sukat, tugma at tradisyonal na gawi at paksa? A Berso Blangko B. Modernista C. Spoken Word poetry D. Tulang Tradisyonal
3. Anong elemento ng tula ang tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtud? A Paksa B Sukat C. Talinghaga D. Tugma
4. Anong elemento ang nagbibigay sa tula ng himig at indayog nito? A Paksa B. Sukat C. Talinghaga D. Tugma
5 Anong masining na salita ang sadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita upang gawing mabisa, matalinghaga, at kaakitakit ang pagpapahayag? A Idyoma B. Pahiwatig C. Tayutay D. Simbolo