Sagot :
Answer:
Ang tama at mabuti ay karaniwang pinagpapalit at ikinalilito, ngunit ang mga salitang tama at mabuti ay may pagkakaiba. Ang tama ay ang pagpili at paggawa ng wasto batay sa isang partikular ng konteksto, kagaya ng lugar, panahon at sitwasyon. Sa kabilang banda, ang mabuti naman ay anumang bagay na nakakatulong sa pagbuo ng sarili.
Kahulugan at Pagkakaiba ng Tama at Mabuti
Narito ang mga kahulugan at pagkakaiba ng tama at mabuti:
Tama - Ang tama ay ang pagpili at paggawa ng wasto batay sa isang partikular ng konteksto, kagaya ng lugar, panahon at sitwasyon. Halimbawa: Mabuti ang gamot para sa mga tao, ngunit may tamang gamot para sa isang partikular na sakit o karamdaman.Mabuti - Ang mabuti ay anumang bagay na nakaka-ambag sa pagbuo ng sarili. Ang gabay upang malaman na ang isang bagay ay mabuti ay kapag ginagamit ang isip at puso para suriin at kilatisin ang isang bagay. Halimbawa: Mabuti ang gamot para sa mga tao. Mabuti rin ang pag-eehersisyo para sa mga tao.Pagkakatulad ng Tama at Mabuti
Ang tama at mabuti ay may pagkakatulad din. Ang karaniwan sa dalawang ito ay ang pagsulong sa ikabubuti ng tao at pag-iwas sa pananakit ng tao.
#LearningisAhobby
ang mabuti ay like ex: mabuti na lang hindi ako nagpaakit sa dinala nilang pera dahil galing pala yun sa pagnanakaw
tama is tama ung desisyon mo na hindi ka nagpaakit
hope it helps
example lang lo yan