Sagot :
Banal na Imperyong Romano
Ang Banal na Imperyong Romano ay isang unyon ng mga teritoryo sa Gitnang Europa noong Gitnang Panahon sa ilalim ng pamumuno ng Banal na Emperador Romano. Galing ang pangalan nito, Banal na Imperyong Romano, mula sa paniniwala ng pamunuan nito noong Gitnang Panahon patungkol sa pagiging banal, sa desisyong ito ay ang pagpapatuloy ng pamamayagpag ng Imperyong Romano at ang pagpapatupad ng kagustuhan ng Diyos sa pamamaraang Kristiyano.