👤

4. Binibigyan dito ng paliwanag ng mga sinaunang tao ang mga pangyayari sa kalikasan
gamit ang kanilang malikhaing imahinasyon; naglalahad ng mga pangyayari sa daigdig tulad ng
pagkakaroon ng langit at lupa, panimula ng daigdig o tao, at kamatayan.
5. Isang pangungusap o tanong na may doble o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang
isang palaisipan.
6. Isang katutubong anyo ng tula o awit ng papuri, luwalhati, kaligayahan o pasasalamat,
karaniwan para sa Diyos.
7. Isang matandang uri ng panitikan na lumitaw bago dumating ang mga kastila.
Karamihan sa mga ito ay may labindalawang pantig na nilalapatan ng himig o tono.
8. Isang tuluyang pasalaysay na sinasabing maimahinasyong literature o fiction.
9. Awit sa panahon ng pamamanhikan o sa kasal.
10. Awit sa paggagaod o pamamangka.
B. Iguhit sa likod ang bahagi ng alamat ni Daragang Magayon na higit mong nagustuhan sa lahat.
Isalaysay ang pangyayari sa iyong iginuhit. (15 puntos)​