A. Basahin at unawaing Mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang MP kung may Pagmamalasakit at nagpapakita ng pamamaraan ng pagiging Mapagmalasakit sa kapwa at WP kung walang pagmamalasakit sa kapwa. 1. Tinutulungan ang matanda sa pagtawid sa kalsada. 2. Pinagtawanan ang kaklaseng nadapa imbes na tulungan. 3. Isumbong sa guro ang kaklaseng nangungutya ng iyong kapwa mag-aaral. 4. Ipagbigay alam sa kinauukulan ang mga batang nakita mong nagsusuntukan 5. Nakita mo ang kuya mo na sinasaktan ang iyong nakababatang kapatid. Ipinagwalang-bahala mo na lang.