A. Lagyan ng puso ❤ ang pangungusap kung ito ay nagpapakita ng pagiging responsable at malungkot na mukha naman kung nagpapakita ito ng pagiging iresponsable. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
___1. Pagsasawalang kibo upang makalimutan ang hindi natupad na pangako. ___2. Pagtupad sa anumang kasunduan sa tahanan man o sa paaralan. ___3. Paghahanap ng dahilan upang matakasan ang ipinangako sa kaibigan. ___4. Pagbibigay ng pangako kahit na alam na hindi ito kayang tuparin. ___5. Pagtatago ng sikreto sa kaibigan upang hindi masaktan ang kaniyang damdamin. ___6. Paghingi ng paumanhin sa mga pagkakataong hindi natutupad ang ipinangako. ___7. Pagpapasa ng mga proyekto sa itinakdang oras. ___8. Pagsasabi ng totoo sa lahat ng oras kahit ito pa ay makasakit sa damdamin ng iyong kaibigan. ___9. Sinusubukan ang lahat ng paraan upang tuparin ang pinangako. ___10. Pag-iwas sa pagbibigay ng pangakong hindi kayang tuparin.