Kwento ng Kalabaw at Kambing Isang araw naliligo sa ilog si kalabaw ng siya'y tapos na sa pagtrabaho, naligo siya ng buong araw hanggang natabunan na ng araw. Kinabukasan si Kalabaw ay palakad papunta kung saan naroroon ang trabaho kasama niya ang kanyang Amo hanggang sa hinayaan ito ng maghapon subalit may isang hayop na nilalamig na dahil sa sobrang lamig at nangangailangan ng tulong niya at ito ay si Kambing. Hindi lamang sa malamig ang panahon ito ay lumakas narin ang hangin, ulan at naninilim ang langit. Nang si Kambing ay nakita niyang giniginaw ito'y pinuntahan sa kinaroroonan upang tulungan subalit si Kambing ay takot na takot sa tubig dahil siya'y mababasa. Ang ginawa ni Kalabaw ay naghakot ng iilang dahon ng saging at ginawang parang bahay kubo upang sa ito'y may mapag- silungan si Kambing. Kinabukasan sila'y nakamulat na lamang ng maayos na ang takbo ng panahon ng sila'y ma- kalabas sa ginawang parang bahay kubo na ginawa ni Kalabaw. Laking pasalamat ni Kambing kay Kalabaw kasi di siya nabasa at napag-alagaan pa ito ni Kalabaw. Sa katagalan sila'y naging magkaibigan kahit saan man sila magkita. Patuloy na nilalagay sa taos puso ni Kambing ang nagawang tulong sa kanya ni Kalabaw. Aral : Dapat maging matulungin sa kapwa lalong-lalo na sa panahong kinakailangan ang tulong mo. Marami pang kwento na gawa ng blog na ito: http://mgahalimbawangmaiklingkwento.blogspot.com