Ang isang bansa ay maihahalintulad sa isang kompyuter. Kung gaano kaganda ang bawat piyesa; hard disk, processor at transistors; ay siya ring ganda ng takbo ng buong CPU. Ang Pilipinas ay parang ganito rin. Ang mga piyesa ay ang mga Pilipino at ang Pilipinas ang buong CPU. Kung ang bawat Pilipino (lahat-lahat kabilang ang mga pulitiko, dukha, mayaman, empleyado, basta lahat) ay mag-a-upgrade, ang buong Pilipinas ay kusang mag-a-upgrade din.
Ang Pilipinas ay isang third world country. Marami sa Pinoy ang nagsasabi na bulok na ito at wala ng pag-asa. Kumbaga sa kumpyuter, abacus pa. Kung sang-ayon ka dito, panahon na para manguna kang mag-upgrade.
Ang tanong: Paano?
Sa PILOSOPIYA nagsimula ang lahat ng pag-unlad ng sangkatauhan. Dito isinilang ang siyensya, politika, sosyolohiya, relihiyon, basta lahat ng sistema ng pag-araw-araw nating pamumuhay. Kung hindi naimbento ang pilosopiya, malamang na malamang na batong-palakol pa rin ang hawak mo ngayon at hindi ang nagliliwanag mong mouse. Sobrang halaga ng pilosopiya dahil binibiyayaan nito ang tao ng dalawang importanteng katangian – ang curiosity at doubt.
Curiosity – an irresistable feeling to know something. Therefore, the knowledge of a person who has this grows.
Doubt – a state of confusion about a fact or belief which forces a person to find out more. Therefore, this person becomes open-minded and his outlook in life is being strengthened.
Samakatuwid, ang pilosopiya ang naghahasa sa ating pag-iisip. Ito ang kumpletong bitamina pampataba ng utak. At kung mas mataas na antas ng iyong kaisipan, mas mataas na uri ka na ng tao. May kakayahang baguhin ang sarili at kapaligiran ayon sa iyong nais.
Ngunit ang problema, kapag usapang pilosopiya na ay tila otomatikong nagmu-mute na ang tenga ng mga Pinoy. Sino ba naman ang gustong makinig sa mga kumplikadong ideya nila Socrates, Plato at Nietzche? Wala pang isang kilo ang utak natin ngunit ang mga kaalamang ipinasa ng mga sinaung philosopher ay worth thousands of years.