👤

bakit kailangang pamahalaan ng wasto ang emotion?​

Sagot :

Dahil isa ang ating emosyon sa nagpapakita o naglalabas ng ating nararamdaman. Ito ay kadalasang bigla bigla nalang nating nararamdaman na maaaring makaapekto sa damdamin ng iba tulad nalang minsan kapag bigla kang nagalit o nainis na maaaring makapanakit sa damdamin ng ibang tao. Kailangan na pamahalaan ng wasto ang iyong emosyon, dapat na alam mo itong kontrolin sa oras ng bawat sitwasyon. Minsan man na ito ay bigla bigla mo nalang nailalabas tulad ng pagkagulat pero mahalaga parin na lagi mong paganahin ang iyong pagiisip bago ka maglabas ng damdamin. Hindi lang para maiwasan ang makapanakit kundi dahil baka makagawa ka ng pagkakamali na maaaring pagsisihan mo bandang huli. Kaya ang wastong pamamahala sating emosyon ay dapat nating pagtuunan pansin.

Hope makatulong :) Ideya lang. Dagdagan mo kung may gusto kang idagdag at bawasan mo kung maya gusto kang bawasan. Salamat :)