👤

3. Nag-away ang iyong mga magulang. Ano ang nararapat mong gawin?​

Sagot :

Answer:

Patitigilin ko sila sa pag aaway at sasabihan ng mahinahon na walang magandang maidudulot ang pag aaway. Kung may problema man ay pag usapan nila ng mahinahon ng sa gayon ay payapa nilang maiayos ang kanilang problemang kinakaharap.

Sana'y Nakatulong❤️

#CarryOnLearning

Dapat Gawin

Kapag ang dalawang taong minamahal mo ng higit kaninuman sa mundo ay “nagkakagatan at nagsasakmalan sa isa’t-isa” kasabay ng masasakit na mga salita, ang buhay ay nagiging isang masaklap na karanasan araw-araw. Totoo, maging ang pinakamahuhusay na mga pag-aasawa ay dumaranas ng ilang “kapighatian.” Ngunit kung ang pag-aaway ng mga magulang ay walang-lubay, lubhang nakapipinsala o dili kaya’y marahas, mayroong malubhang pagkukulang.

Totoo, maging ang pinakamahuhusay na mga pag-aasawa ay dumaranas ng ilang “kapighatian.” Ngunit kung ang pag-aaway ng mga magulang ay walang-lubay, lubhang nakapipinsala o dili kaya’y marahas, mayroong malubhang pagkukulang.Hindi nakapagtataka, kung gayon, na ang ilang mga kabataan sa kawalang pag-asa ay nagsisikap na makatulong sa kanilang mga magulang sa bagay na ito. “Ako’y namagitan na sa isang pag-aaway at nagsikap na palabasin sa silid ang aking ama upang sila’y tumigil sa pag-aaway,” sabi ng isang binatilyo. Ang iba ay lumalayo na lamang ng tahimik. “Sinisikap kong lumayo sa kanila kapag sila’y nagkakaroon ng ganitong mga pag-aaway, upang hindi masira ang loob ko tungkol dito,” wika ng isang dalagita. “Ngunit pagkatapos ang pakiwari ko’y nagkasala ako dahil sa hindi pagsisikap na tulungan sila.”

Di Dapat Gawin

Huwag Silang Pakitunguhan ng Walang Paggalang: Napakadaling mauya sa mga magulang na nag-aaway. Lalo na, sila’y nararapat sanang magpakita ng ulirang halimbawa para sa iyo—at hindi ang kabaligtaran. Gayumpaman, ang mapandustang pakikitungo sa isang magulang ay malamang na lalo lamang magdaragdag sa kaigtingan ng pamilya. Lalong mahalaga, iniuutos ni Jehovang Diyos na ang mga kabataan ay magsigalang at sumunod sa kanilang mga magulang, kahit na kung ginagawa nila na napakahirap gawin ito.

Huwag Kumampi: “Minsan kung nag-aaway ang aking mga magulang,” sabi ng isang dalagita, “ang isa sa kanila ay magtatanong sa akin kung ano ang aking palagay. Totoong ako’y nininerbiyos.” Siyempre pa, kung sa isang usapin ay tuwirang kasangkot ka, ang isang malumanay, magalang na tugon ay nararapat.

HOPE IT HELPS YOU

#CarryOnLearning

THANKS ME LATER