Mga Orden ng Paring Dumating sa Pilipinas.
Nagsimula ang Kristiyanismo nang dumating ang mga Kastila sa pamumuno
ni Magellan noong 1521. Maaalala mo na nang dumating si Legazpi noong 1565 may kasama siyang limang paring
Augustino na siyang nagpalaganap ng Kristiyanismo sa Cebu, Panay, Maynila, Pangasinan, Iloilo, Ilokos, Bataan at ilan
pang lalawigan sa Bisaya.
Sinundan ito ng pagdating ng iba pang Orden tulad ng Orden Franciscano noong 1577; Paring
Hesuita noong 1581; Paring Dominicano noong 1587; Recoleto noong 1606; at Benedicto noong 1895.
2. Patronato Real- ang ugnayang simbahan at pamahalaan kung saan ang pamahalaan ay mayroong mahalagang papel sa pangangasiwa at pagsuporta ng simbahan(royal patronage o patronato real)
3. Ang pinakamataas na pinuno ng Simbahang Katoliko sa Pilipinas noong panahon pa man ng Kastila ay
ang Arsobispo. Sakop niya ang pangangasiwa sa lahat ng mg gawaing pangrelihiyon sa buong kapuluan. Ang Simbahan
at ang Estado ay may ugnayan. Ang lahat ng mga gawaing pangrelihiyon sa buong Pilipinas ay sakop ng simbahan at ng
estado. Ang pamamahala ng batas at ang pagbibigay ng kaparusahan sa mga nagkasala ay sakop din ng Simbahan at
Estado. Ang lahat ng opisyal ng Simbahan mula Arsobispo, Obispo at Kura Paroko ay tumatanggap ng sahod buhat sa
Estado. Ang simbahan ay itinataguyod sa pamamagitan ng buwis ng taongbayan.
Linggwistiks Para sa mga Mag-aaral ng AGHAM PANLIPUNAN
4. Malaki ang ginampanang tungkulin ng mga ito sa pagpapalaganap ng pananampalatayang Kristiyano at pagtatatag at pangangasiwa ng kolonyang Espanyol sa Filipinas.
Ituro sa mga katutubo ang relihiyong Kristiyanismo, ito ang pangunahing tungkulin
maliban sa iba pang mga tungkulin nila
Magpatayo ng mga simbahan at paaralan, magbigay o manguna sa pagsasagawa
ng mga sakramento ng simbahan para sa mga mamamayan, at maging magpatawad
ng mga kasalanan ng mga taong sa kanila ay nangumpisal.
May kapangyarihan din silang maningil o mangolekta ng buwis, magplano at
magsaayos ng mga gawain sa paaralan, mamahala sa mga eleksiyon at magsagawa
ng mga gawaing pangkawanggawa upang makapagpatayo ng mga simbahan
Sila rin ang nagdedesisyon sa mga kaso hinggil sa mga paglabag sa mg autos o batas ng simbahan. Pinarurusahan nila at ipinatatapon ang mga taong
mapatutunayang nagkasala sa simbahan
5. Pinagtuunan din ng pansin ang pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga Pilipino. Ngunit nagging mabagal ang pag-unlad n gating kabuhayan dahil itinuon ng mga Espanyol ang kanilang pansin sa pagpapalaganap ng relihiyon at ikalawa kulang sa kaalamang pangkabuhayan ang mga Espanyol. Gayunpaman nagkaroon ng mga pagbabago sa ating kabuhayan sa ilalim ng mga Espanyol. Ipinakilala ang mga bagong halaman at hayop na galling Mexico. Halimbawa ng mga halaman ng kakaw,kape,mais,maguey,mani,chico at papaya. Sa mga hayop naman ay ang kambing,kabayo,baka,pato,tupa at gansa. Nagpakilala rin ang mga Espanyol ng mga bagong industriya sa Pilipinas.Tinuruan nila ang mga Pilipino ng mga bagong paraan ng pagsasaka,paggawa ng sabon at kandila,paggawa ng bahay na bato at pagmimina.