Sagot :
Answer:
Ano ang gintong aral o mensaheng hatid ng noli me tangere
Para sa akin ang gintong aral at mensaheng hatid ng Noli me Tangere ay ang pagpapakita ng mga tauhan na si Ibarra na kahit na nakaranas ng di maganda ang kanyang ama sa mga nanunugkulan sa pamahalaan ay ninais parin niyang magpatayo ng paaralan para sa kanyang mga kababayan, siya ay may tunay na malakit sa mga Pilipino sapagkat ayaw niyang maging mangmang ang mga ito habang buhay.
Isa pa sa gintong aral na makukuha dito ay ang wagas na pagmamahalan ng dalawang nag-iibigan, sina Crisostomo Ibarra at Maria Clara ay naging matatag sa kanilang relasyon kahit pa nga nagkalayo sila ng matagal ay di nila nagawang mag-mahal ng iba, naging tapat sila sa isat-isa, kahit panga dumating ang oras na pilit na ipinakakasal si Maria Clara sa iba ay sumumpa parin sila sa isat-isa na habnag buhay nilang mamahalin ang bawat isa at bhinding hindi magbabago iyon.
Ang isa pang gintong aral na makukuha sa Noli Me Tangere ay ang kabaitang ipinakikita ni Elias, bagamat isang mahirap lamang at nakaranas ng mga kaapihan ay pilit na gumagawa ng paraan upang mapabuti ang bayan, may mabuting puso si elias kahit pa nalaman niyang ang angkan ni Ibarra ang naging dahilan ng pagdurusa ng angkan niya ay nagawa parin niyang tulungan si Ibarra sa pagkat naniniwala siyang may mabuting puso si Ibarra at may mabuting hangad sa bayan katulad ng nais niya.
Buksan ang link para sa karagdagang kaalaman
Ang nagpahiram ng pera kay rizal para mapalimbag ang nobelang noli me tangere ay si? brainly.ph/question/2155163
Explanation: