👤

Ano Ang kasingkahulugan?​

Sagot :

Answer:

katulad ng ibig sabihin

Explanation:

halimbawa mabait=mabuti

Answer:

Ang kasingkahulugan ay dalawang magkaibang salita na pareho o magkatulad ang kahulugan o ibi sabihin.

Mahalagang malaman ang kahulugan ng isang salita upang madaling maibigay ang kasingkahulugan nito.

Kadalasan ang mga salitang magkasingkahulugan ay mga pang-uri o mga salitang naglalarawan sa isang tao, bagay, hayop, at pook o lugar. Maari ding katangian tulad ng uri, anyo, kulay, laki, amoy, lasa

Mga halimbawa ng mga salitang magkasingkahulugan:

maganda – marikit

maliit – bansot , pandak

masaya – maligaya

malaki – maluwang

mabango - mahalimuyak , masamyo

aksidente - sakuna

aralin - leksiyon

away - laban, basag-ulo

bata - musmos, paslit

dekorasyon - palamuti

hanapbuhay - trabaho, okupasyon`

kama - higaan

magisip-isip - magmuni-muni

magmadali - mag-apura

paaralan - eskuwelahan

palingun-lingon - palinga-linga

prutas - bungang-kahoy

tirahan - tahanan

ulam - putahe

upuan - silya

maingay – magulo

mayaman – masalapi

malungkot – malumbay

masarap – malinamnam

mabagal – makupad

mataas – matangkad

mataba – malusog

matalas – matalim

tama – wasto

madaldal – makwento

madumi – madungis

matapang – mabagsik

magmadali – mag-apura

iniwan-nilisan

away – laban

palingun-lingon – palinga-linga

natuklasan – nalaman

inalay – inihandog