Sagot :
Answer:
Ang Pilipinas ay isang umuunlad na bansa sa Timog-Silangang Asya. Ang lebel ng sahod sa Pilipinas ay mababang gitnang sahod (lower middle income)[1]. Ang GDP kada tao ayon sa Purchasing power parity (PPP) sa Pilipinas noong 2013 ay $3,383 na ika-130 sa buong mundo at mas mababa sa ibang mga bansa sa Timog Silangang Asya gaya ng Brunei, Singapore, Malaysia, Thailand at Indonesia.[1] Ito ay nangangahulugang ang Pilipinas ay mas mahirap sa mga bansang ito. Ang GDP kada tao ayon sa PPP ang sukatan na ginagamit ng karamihang mga ekonomista upang matukoy ang mga mahihirap na bansa.[2] Ito ay naghahambing ng mga pangkalahatang pagkakaiba sa pamantayan ng pamumuhay sa kabuuan sa pagitan ng mga bansa dahil isinasaalang alang nito ang relatibong gastos ng pamumuhay at mga rate ng implasyon ng mga bansa.
Ang Pilipinas ay ika-138 sa buong mundo sa indeks ng pagiging madaling magnegosyo o nangangahulugang mahirap magnegosyo sa Pilipinas. Ang Pilipinas ay ika-105 sa Corruption Perceptions Index sa mga 176 bansa sa buong mundo o nangangahulugang may napakataas na antas ng korupsiyon sa Pilipinas.[3]
Ang kahirapan at hindi pantay na sahod sa pagitan ng mayaman at mahirap ay nananatiling mataas sa Pilipinas.[4] Ang mga kamakailang paglago sa ekonomiya ng Pilipinas ay nangyayari lamang sa mga sektor ng serbisyo gaya ng industriyang pagluluwas ng semikonduktor, telekomumikasyon, BPO, real estate na sinusuportahan ng mga remittance o ipinadalang salapi ng mga OFW sa kanilang pamilya sa Pilipinas na may maliliit na negosyo. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit mayroong hindi sapat na kalidad na trabaho at ang kahirapan at pagiging hindi pantay ng sahod ay hindi napabuti.[4] Ang sektor na lilikha ng mas maraming trabaho gaya ng agrikultura, pagmamanupaktura at industriya ay matamlay.[4]
Ang mahahalagang sektor ng ekonomiya ng Pilipinas ay kinabibilangan ng agrikultura, tulad ng pagpoproseso ng pagkain, pananahi, at electronics at paggawa ng mga bahagi ng sasakyan. Karamihan sa mga industriyang ito ay nasa bahaging Kalakhang Maynila at mga karatig na lugar. Ang pag-mimina ay may malaking potensiyal sa Pilipinas.
Explanation: