Sagot :
Answer:
Explanation:Paano malalaman kung ang isang bansa ay maunlad o umuunlad pa lamang ?
Ang sumusunod ay ang katangian ng isang bansang maunlad na:
1.Mayroong magandang ekonomiya
• Masasabing may magandang ekonomiya ang isang bansa kung mayroon itong mataas na pag-unlad sa ekonomiya at mayroon itong tinatawag na seguridad pang pinansiyal.
• Nakabase ang magandang ekonomiya ng bansa sa GDP o Gross Domestic Product per capita ng isang bansa na nagrerepresenta ng kabuuang kita ng isang ekonomiya ay nahahati sa bilang ng mamamayan na nakatira sa isang bansa.
2. Mayroong industriyalisasyon at mayroong malakas na dayuhang pangkalakalan
• Nakakagawa ito ng produktong agrikultura na higit pa sa pangangailangan ng mga taong nakatira sa bansa.
• Mayroon ding balanseng kalakalan sa import at export nito.
3. Mayroon itong political stability
• Mayroon itong epektibong pamahalaan, walang kriminalidad na nangyayari sa bansa, walang mga himagsikan, mayroong respeto sa batas ang mga tao, walang sigalot, mayroong transparency, walang korapsyon.
4. Mayroong magandang kalusugan at Edukasyon ang lahat ng nakatira sa isang bansa.
• Mas matagal ang buhay ng mga mamamayang nakatira dito. Isa ito sa indikasyon na ang bansa ay mayroong malusog na pamumuhay.
• Maraming nakapagtapos ng pag-aaral
• Kumpleto ang mga kagamitan sa kalusugan
5. Walang mahirap, may pantay na pagtingin sa tao sa lipunan at kasarian nito.
• Ang isang maunlad na bansa ay walang taong naghihirap at lahat ay pantay-pantay dahil ang lahat ay may paggalang sa isa’t-isa.
6. May ligtas at malinis na kapaligiran.
Katangian ng mga bansang umuunlad pa lamang
1. Mayroong pamahalaan ngunit hindi masyadong maayos ang pamamahala ng bayan dahil sa ibang kakulangan.
2. May mga mayayaman ngunit marami pa din ang mahihirap.
3. May mga nakapag-aral ngunit marami pa din ang walang trabaho.
4. May layunin sa edukasyon at kalusugan ngunit kulang pa din ito sa suporta.
5. Kulang pa sa mga kagamitan.