Aktibiti 8.1 Tukuyin kung nasa Pokus sa Ganapan o Pokus sa Sanhi ang pandiwang may salungguhit sa pangungusap. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel. 1. Pinaglanguyan namin ang malinis na batis sa Kanluran. 2. Ang mga pangyayari sa kasalukuyan ay ikinalungkot ko. 3. Ikinakatakot ko ngayon ang pagdami ng mga nagpositibo sa covid. 4. Pinagkukunan namin ng mga gulay ang hardin ni Aling Maring. 5. Ang kubo ni Mang Osteng ay pinagpahingahan ng mga dayuhan.