👤

kayarian na salita ng malinis?​

Sagot :

KAYARIAN

kayarian ng malinis

Salita: malinis

Kayarian: maylapi  

Salitang-ugat: linis 

Panlapi: ma-

  • Ang salitang "malinis" ay isang salitang tumutukoy sa pagiging maayos o hindi pagkakaroon ng dungis o dumi. Ang kayarian ng salitang "malinis" ay maylapi dahil binubuo ito ng salitang-ugat at panlaping "ma-" (unlapi). Ang isang pangngalan o pang-uri ay maylapi kung mayroon itong salitang-ugat at panlapi tulad ng "ka" at "na". Kung ang salita naman ay "linis", ang kayarian nito ay payak.
  • Pangungusap:

- Nakita naming malinis na ang kwarto pagdating namin.

- Malinis ang kaniyang ginawang proyekto kaya't mataas ang nakuha niyang grado.

#CarryOnLearning