Maaaring napakapamilyar para sa ating mga Pilipino ang diwa ng larawang ito. Ang "bayanihan" na isang bahagi ng ating kultura na masasabing makatura o fradisyunat, dahil sa panahong nagsimula ito. Ang konsepto ng bayanihan ay ang sama-samang pagtutulungan ng mga magkakapitbahay o mga magkakabaranggay sa pagbuhat of karaniwang paglipat ng isang bahay, na noon ay kubo na gawa sa nipa at iba pang magagaan na materyales ng kanilang kasamahan patungo sa isang bagong pwesto. Sinasalamin ng tradisyong ito ang pagkakabuklod-buklod at mapayapang pagsasama at sistema ng tulungan sa isang pamayanan. Likas na matulungin at may malasakit sa kapwa ang mga Pilipino na nagpapalakas ng kaisipang ideyal na pamumuhay noon. Hindi mapagkakaila no ang mga Pilipino ay may pagpapahalaga sa isang lipunang may pagtutulungan at pagkakapit- bisig sa mga panahon ng kaginhawaan at kahirapan. May kaakibat no responsibilidad sa kapwa ang pagiging Pilipino na isa nang manipestasyon hanggang sa kapanahunan ngayon. Kahit na hindi na kapareho ng kubo at nagbubuhat nito ang pamumuhay ngayon, ang diwa ng bayanihan ay isa pa ring pangunahing tradisyon at identidad ng mga mamamayan ng bansa. Sa pagtulong sa mga nangangailangan, na mas naipamalas sa mga nagdaang kalamidad, makikitang buhay pa rin ang bayanihan. Sa paglipas ng panahon, ang mga tradisyong tulad nito ay unti-unting nababago at naicakma sa panahon, ngunit ang kabutihan at intensyon nito ay nagiging mas versatibo at dinamiko. Isang patunay na ang bayanihan ng bayang Pilipinas ay magpapatuloy sa pag-iral nito sa ating mga buhay. Mga tanong: 1. Batay sa nabasang aralin, ano ang ibig sabihin ng bayanihane 2. Ano ang pagkakaiba ng bayanihan noon at bayanihan ngayon? 3. Sa panahon ngayon, sa panahong pandemik, ano ang bayanihang iyong naibahagi sa iyong kapwa. 4.Sa iyong palagay dapat bang ipatuloy ang kaugaliang ito ng mga pilipino? bakit? 5.Magbigay ng dalawang halimbawa ng modernong bayani sa panahon ngayon.