9. Alin ang pangunahing salik sa paglago ng mga bayan? A. Ang paglakas ng kalakalan B. Ang paglakas ng mga gitnang uri C. Ang panunumbalik ng kapayapaan D. Ang pagbabalik ng kapangyarihan ng mga hari
10Paano nakabuti ang pagtatag ng mga guild system? A. Nagawa nitong maisulong ang mga proyektong makabubuti sa mga kasapi. B. Nagawa nitong kumita ng pera mula sa pagkolekta ng buwis mula sa mga kasapi. C. Naprotektahan nito ang mga bahay-kalakal mula sa pananamantala ng mga opisyal ng pamahalaan. D. Nahadlangan nito ang pang-aabuso isinasagawa ng mga kasapi sa sinumang kabahagi ng lipunan.
11.Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa serf sa panahon ng Piyudalismo? A. Itinuturing silang natatanging sektor sa lipunan. B. May karapatan at kalayaan silang bumuo ng sariling pamilya. C. Sila ang bumubuo ng masa ng tao noong panahong Medieval. D. Malaya nilang mapauunlad ang kanilang pamumuhay at pamilya.
12. Isang mahalagang pangyayari sa Panahong Medieval ang paglakas ng kapangyarihan ng Kapapahan (Papacy). Alin sa sumusunod ang higit naglalarawan sa Kapapahan o sa Papacy? A. Tumutukoy ito sa kapangyarihang politikal ng Papa bilang pinuno ng estado ng Vatican B. Itinuturing ang Papa bilang Ama ng mga Kristiyano na siya pa ring tawag hanggang sa kasalukuyan. C Simbolo ang kapapahan ng malawak na kapangyarihan ng Simabahang Katoliko noong panahong Medieval. D. Ito ay tumutukoy sa tungkulin, panahon ng panunungkulan at kapangyarihang panrelihiyon ng Papa bilang pinuno ng Simbahang Katoliko.
13. Ano ang tawag sa panggitnang-uri ng tao na sumibol sa Europe na binubuo ng mga negosyante, banker at ship owner? A. Nobility B. Bourgeoisie C.Knight D. Lord
14Ang tawag sa patakarang pang-ekonomiya kung saan nasusukat ang yaman ng isang bansa batay sa dami ng reserbang ginto at pilak? A Imperyalismo C. Piyudalismo B. Merkantilismo D. Sosyalismo
15. "Ang madalas na pagsalakay ng mga barbaro ay nagbigay ligalig sa mga mamamayan ng Europe. Dahil dito, hinangad ng lahat ang proteksiyon kaya naitatag ang sistemang Piyudalismo". Ano ang ipinapahiwatig ng pahayag? A. Magulo ang Europe dahil sa pagsalakay ng mga barbaro. B. Sa panahon ng kaguluhan, ang mga tao ay naghangad ng proteksyon C. Mahina ang pamahalaan noon kaya dumami ang mga pangkat barbaro. D. Ang sistemang Piyudalismo ay sagot sa kahirapan ng mga tao.