I. Isulat sa patlang ang Tama kung wasto ang kaisipan at Mali kung hindi wasto. 1. Mahalagang matutuhan ang wastong pamamalantsa sa murang edad pa lamang. 2. Isaksak ang plug ng plantsa kahit basa ang kamay. 3. Plantsahin ang damit ayon sa paalalang taglay nito sa etiketa. 4. I-set ang temperatura ng plantsa ayon sa uri ng damit na paplantsahin. 5. Tiyakin na malinis ang sapin ng plantsahan.Dagdagan ito ng sapin kung nais na makapal. 6. Maingat na plantsahin ang mga bahagi ng damit ayon sa pagkakasunod-sunod. 7. Subukin ang init ng plantsa sa isang basahan, hindi sa plantsahan at lalong hindi sa damit. 8. Maaaring gumamit ng dahon ng saging sa pamamalantsa. 9. Ang mga damit ay kailangan plantsahin upang maging maayos tingnan. 10. Ang taong maayos manamit ay kagalang- galang at kaaya-ayang tingnan at nagbibigay tiwala sa sarili saanman o kaninuman makikisalamuha.