Sagot :
Question⤵
ano ang iyong natutunan/repleksiyon sa subject na filipino?
Answer⤵
Ang Blog
Why⤵
Ang blog na ito ay tungkol sa aking natutunan sa paksang Filipino. Sa Yunit 1 ito ay tungkol sa mga konsepto ng wika, malalaman dito ang kahalagahan ng wika at komunikasyon. Dito mo malalaman na ang Wika ay ang pinakamahalagang sangkap at ugnayan ng pakikipagkapwa-tao. may mga gamit din ang wika, halimbawa ay gamit sa talastasan, lumilinang ng pagkatuto, saksi sa panlipunanh pagkilos, lalagyan o imbakan, tagapagsiwalat ng damdamin, at gamit sa imahinatibong pagsulat. natutunan din dito and Kategorya at Kaantasan ng Wika rin tulad ng Pormal at Di-Pormal na wika, ang Pormal na wika ay kapag ito ay ginagamit ng higit na nakararami madalas itong ginagamit sa mga paaralan at opisina samantala ang Di-Pormal na wika ay ginagamit sa pang-araw na pakikipagtalastasan. Isa rin sa mga natutunan ko ang tungkol sa Komunikasyon, ito ay pagpapahayag, paghahatid, o pagbibigay ng impormasyon sa mabisang paraan.
Explanation: