👤

I
Panuto: Sagutin ang mga pamprosesong tanong.
1. Ano ang pagkakaiba ng kolonyalismo at Imperyalismo. Ipaliwanag

2. Bakit nagtatag ang mga bansang Kanluranin ng mga kolonya sa Asya?

3. Sa iyong pananaw, nakatulong ba ang pananakop noon ng mga kanluranin sa mga rehiyon sa asya para sa kasalukuyang panahon

4. Bilang isang mag-aaral, paano ka makatutulong upang mas mapaunlad ang bansang iyong kinabibilangan


Sagot :

Explanation:

1. INTRODUKSYON Ang modyul para sa yunit III ay tatalakay sa ginawang pananakop at pagtatatag ng imperyalismo at kolonyalismo ng mga Kanluranin sa mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya, gayundin sa naging tugon ng mga bansa sa nabanggit na mga rehiyon sa ginawang pananakop ng mga Kanluranin at kung paano ang mga ito ay nagdulot ng transpormasyon at mga pagbabago. Upang higit na matalakay at maunawaan ng mga mag-aaral ang mga mahahalagang konsepto at kaisipan, iba’t ibang mga gawain ang iminungkahi ng mga sumulat. Ang mga ito, ang magsisilbing gabay para sa guro at mga mag-aaral. Maliban sa mga gawaing matatagpuan sa modyul, ang guro na gagamit nito ay hinihikayat na maging malikhain sa pamamagitan ng pagbibigay laya na higit pa niyang paunlarin ang modyul. Maaaring magdagdag ng iba pang mga gawain kung sa inaakala niya ay higit pa itong makakatulong sa mabilis at madaling pag-unawa ng mga mag-aaral. Sa mga paaralang may internet, iminumungkahi ding kumuha ng mga materyal na may kaugnayan sa paksang tatalakayin upang higit na maging kawili-wili ang pagtalakay sa paksa.

2. INTRODUKSYON Bahagi din ng teaching guide ay ang pagkakaroon ng unit assessment map. Maaari itong gawing batayan ng guro sa pagtataya sa mga kakayahang nalinang ng mga mag-aaral. Maari pa rin itong dagdagan at higit na paunlarin. Ang pagtalakay sa mga paksang nakapaloob sa yunit na ito ay inaasahang matatapos sa loob ng labinlima hanggang dalawampung oras na nakalaan sa bawat quarter sa loob ng isang taong panuruan.

3. MGA PAMBUNGAD NA TANONG Minsan ba naisip mo o naitanong sa iyong sarili, kung paano ang buhay noon ng iyong mga angkan o ninuno? Madali kaya ang buhay noon o napakahirap? Anu-ano kaya ang mga karanasan at pagsubok ang pinagdaanan nila para lang maabot ang ngayo’y mauunlad na bansa sa Asya? Sa modyul na ito, inaasahang masasagot mo ang sumusunod na mga tanong : 1. Sa paanong paraan nakaapekto ang mga pagbabago sa Timog at Kanlurang Asya? 2. Paano hinubog ng nakalipas at kasalukuyang mga pangyayari sa Timog at Kanlurang Asya ang pag-unlad ng mga bansa?