ARTS. Lagyan ng tsek (V) kung tama ang ipinahahayag ng pangungusap at ekis (X) kung mali. 1. Nakadaragdag sa ganda ng gawang sining ang paggamit ng kombinasyon ng kulay. 2. Komplementaryong kulay ang tawag sa kulay na katabi nito sa color wheel. 3. Ang foreground, middleground, at background ang mga bahagi ng isang landscape painting. 4. Nakatutulong ang color wheel upang matiyak ang magkasalungat na kulay. 5. Batay sa color wheel, ang komplementaryong kulay ng asul ay dilaw. 6. Ang mga bagay sa foreground ay kadalasang malalaki at pinakamalapit sa tumitingin. 7. Ang elemento ng sining na tumutukoy sa pangkalahatang kahulugan ng ginawa ay ang balanse. 8. Bawat pintor ay may pare-parehong istilo ng pagpipinta. 9. Ang pagpipinta ay isang uri ng sining kung saan pwede mong ipahayag ang iyong damdamin o saloobin sa pamamagitan ng pagpipinta ng mga bagay-bagay na naaayon sa iyong kagustuhan. 10. Ang kulay ang nagbibigay buhay sa kapaligiran.