12. Siya at ang kanyang asawa ay tumulong sa mga sundalong bilanggo sa Capas, Tarlac upang mamigay ng pagkain, damit at gamot. Sino siya? A. Carmen Planas C. Josefa Llanes Escoda B. Carmen Rosales D. Trinidad Roxas 13. Nang umalis sina Pangulong Quezon patungong Estados Unidos hiniling nito kay na maiwan sa bansa upang humarap sa mga Hapones. A. Jose Abad Santos C. Jose P. Laurel B. Jose Burgos D. Jose P. Rizal 14. Nasaksihan niya ang pang-aabuso ng mga Hapones sa mga kababaihan kaya niya tahasang tinuligsa ang pang-aabuso ng mga ito sa kanyang mga misa. Sino siya? A. Douglas MacArthur C. Jonathan Wainwright B. Edmund P. Ellsworth D. William Finnemann 15. Kalunos-lunos ang sinapit ng isang matapang na heneral sa kamay ng mga Hapones dahil sa kanyang pagtangging makipagtulungan sa kanila. Sino siya? A. Edward King C. Jonathan Wainright B. Jesus Villamor D. Vicente Lim 16. Hinirang na pangulo si Jose P. Laurel noong panahon ng Hapon ngunit hindi niya kinalimutan ang kapakanan ng bayan. Alin sa mga sumusunod ang nagawang kabayanihan ni Laurel laban sa mga Hapones? A. pinangunahan niya ang Makapili B. pinayagang isali ang mga Pilipino sa Makapili C. hinimok ang mga sundalong Pilipino na makiisa sa Hukbong Imperyal D. hindi pumayag na sapilitang isali ang mga Pilipino sa Hukbong Imperyal 17. Ipinadakip at pinatay ng mga Hapones si William Finnemann. Bilang pagkilala sa kanyang kabayanihan. Ano ang kanyang natanggap na parangal pagkatapos ng kanyang pagkamatay? A. ginawaran ng Medal of Merit B. ginawaran ng Medal of Honor C. ginawaran ng pamahalaan ng Pilipinas bilang bayani D. ginawaran ng Vatican bilang Servant of God noong 1999 18. Hindi matatawaran ang kabayanihang ginawa ni Josefa Llanes Escoda kaya siya ay pinatay ng mga Hapones. Alin sa mga sumusunod ang pinakita niyang kabayanihan noong panahon ng digmaan? A. nagbigay ng pagkain at damit sa mga Makapili B. nagbigay ng pagkain at damit sa mga Hapones C. nagbigay ng pagkain at damit sa mga kasapi ng Kalibapi D. nagbigay ng pagkain at damit sa mga bilanggo ng digmaan 19. Hindi nagawang magtaksil sa bayan si Vicente Lim kaya siya ay pinaslang sa Sementeryo del Norte. Alin sa mga sumusunod ang isa sa mga nagawa niyang kabayanihan laban sa mga Hapones? A. nagbigay ng impormasyon sa mga Makapili B. isinumbong niya ang mga gerilya sa mga Hapones C. hindi tinanggap ang alok ng mga Hapones na maging Chief of Staff D. hindi tinanggap ang alok ng kilusang gerilya na maging punong kumander 20. Bakit nilalagay ang mga larawan ng mga bayani sa perang ginagamit ng ating bansa? A. dahil sila ay mayayaman B. dahil sila ay nagpamalas ng kabayanihan C. dahil sila ay mga artista sa pelikula at telebisyon D. dahil sila ay miyembro ng matataas na uri o ilustrado