Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Mula sa kuwento ni Ben na iyong binasa, ano-anong sitwasyong makikita ang paraan ng pagpapakita niya ng respeto sa magulang? Sa iyong sagutang papel, kopyahin at sagutin ang hinihingi ng talaan sa ibaba. Mga paraan ng pagpapakita ng Mga sitwasyon na kung saan respeto sa kapwa ay nakita ito sa kuwento ni Ben 1. Paggalang sa oras ng pamamahinga 2. Paggalang sa may sakit 3. Pakikinig kapag may nagsasalita at 4. Pagpapanatili ng malinis kaaya-ayang kapaligiran Ang pagpapakita ng paggalang at kabutihan sa iba ay bahagi ng pakikipagkapwa-tao. Ang pagpapahalagang ito ay nakabatay sa kung paano nararapat na kumilos at gumawa ang tao para sa kaniyang sarili, kapwa, bansa at higit sa lahat sa Diyos. Ang tunay na paggalang sa kapwa ay naipapakita rin sa pamamagitan ng pag-iingat ng mga gamit at pasilidad ng paaralan. Bagama't ang bawat mag-aaral ay may karapatan sa pagkakaroon ng maayos at kaaya-ayang pasilidad ng paaralan, ang mga ito ay nararapat ring ingatan at gamitin sa wastong paraan. Ang paggamit ng pasilidad ng paaralan nang may pag-alala sa kapakanan ng kapwa ay nagpapakita ng paggalang sa karapatan ng iba. Ang pagsaalang-alang sa iba pang taong gagamit ng bawat pasilidad ay nakatutulong upang mapanatiling maayos at malinis ang kapaligiran. Malaki ang kontribusyon ng malinis na kapaligiran sa pagkakaroon ng malusog na katawan at isipan ng mga mamayan. Dahil dito, ang pakikiisa ng bawat isa sa lahat ng programang ipinapatupad ay kailangan upang mapanatili ang kaayusan at kagandahan ng kapaligiran PIVOT 4A CALABARZON ESP G4