👤


Paggalang sa iba
Sa atin dapat magsimula
Magagalang na salita,
Sambitin ng labi sa tuwi-tuwina.
Palitan ng opinyon o kuro-kuro
Madalas dito tayo ay natututo
Opinyon mo minsa'y tama,
Minsan nama'y salungat na sa iba
Kung ideya mo'y wari'y mali,
Huwag mong ipilit ang sarili
Baka ideya niya ang tama
Dapat sundin at igalang siya.

Mga tanong


1.Ano ang paksa ng tula?

2.Bakit kailangan nating maging magalang sa tuwina?

3.Paano mo ipinagalang ang opinyon ng iba?

4.Kailangan mo bang ipagpilitan ang opinyon mo kahit alam mong mali ka?
Bakit?

5.Sa anong mga sitwasyon dapat mong ipakita ang pagiging magalang?​