Sagot :
(Eto na po yung pinakajournal) Halos isang taon na tayo nakatambay sa ating mga bahay dahil sa COVID-19 ngunit hindi pa rin ito mawala-wala. Ano nga ba ang pwede nating mga gawin bilang isang mag-aaral upang ating ito malabanan? Bilang isang mag-aaral pa lamang, may mga simple at maliit na mga hakbang na tayong pwede gawin upang makatulong sa laban na ito. Sa aking palagay, isa nang malaking tulong ang ating paglagi sa ating bahay. Sa pamamagitan nito, maaring nating mapababa ang mga kaso ng COVID-19 sa ating komunidad dahil wala naman masyadong lumalabas at wala naman masyadong interaksyon na nangyayari. Kung tayo naman ay may gagawing importante at kailangan nating lumabas siguraduhin nating tayo ay nakaface-mask, face shield at sumusunod sa social distancing. Hindi lamang tayo ang magiging malusog at ligtas kundi pati na rin ang ating pamilya at ating kapwa. Maiiwasan natin ang makapanghawa sa kanila sa pamamagitan ng paggawa ng mga hakbang na ito. Iyon lamang ang ilan sa mga maliliit at simpleng hakbang na aking naisip upang malabanan natin ang COVID-19.