II.Ayusin ang mga pangyayari tungkol sa pananakop ng mga Hapones sa ating bansa. Lagyan ng titik A hanggang J upang maisaayos ang mga ito ayon sa wastong pagkakasunod- sunod.
11. Pinalakad ng mga sundalong Hapones ang mga sundalong Pilipino at Amerikano sa Death March mula Bataan hanggang Tarlac.
12. Bumagsak ang Corregidor sa mga Hapones at tuluyang napasailalim ang bansa sa kamay ng mga Hapones.
13. Binomba ng mga Hapones ang Pearl Harbor.
14. Matapos ang madugong labanan, napilitang isuko ng mga sundalong Pilipino at Amerikano ang Bataan
15. Inilikas ni Pang. Manuel L. Quezon ang Pamahalaang Komonwelt sa Amerika.
16. Lumikas si Hen. Douglas MacArthur patungong Australia kasama ang kanyang pamilya at ang pinunong militar.