Sagot :
Answer:
ito po yung kanina sorry mali
Explanation:
MIGRASYON
Ang MIGRASYON ay tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat ng tao mula sa isang lugar o teritoryong politikal patungo sa iba pa upang manirahan maging ito man ay pansamantala o permanente.
Mga isyung kalakip ng migrasyon
- Pagbabago ng Populasyon
Ang pagkakaroon ng napakataas at napakababang populasyon ay may tuwirang epekto sa migrasyon.
- Kaligtasan at Karapatang Pantao
Nagkakaroon ng epekto ang migrasyon sa kaligtasan at karapatang pantao tulad ng:
- Pagsasakripisyo ng mga OFW
- Pang-aabuso ng mga recruitment agency at illegal recruiter.
- Nagiging biktima ng international syndicate o organized crime syndicate.
•Pamilya at pamayanan
Ang pangingibang bansa ng mga OFW ay may epekto sa kanilang mga naiwang pamilya, lalo na sa kanilang mga anak.
- Brain Drain
Kapag nakatapos sa pag-aaral sa iba’t-ibang larangan, karamihan ay mas pinipili nilang mangibang bansa dahil sa mas magandang oportunidad na naghihintay sa kanila.
- Multiculturalism
Isang doktrinang naniniwala na ang iba’t ibang kultura ay maaaring magsamasama nang payapa at pantay-pantay sa isang lugar o bansa.
Mga Maaaring Dahilan ng Migrasyon
- Hanapbuhay na makapagbibigay ng malaking kita na inaasahang maghahatid ng masaganang pamumuhay.
- Paghahanap ng ligtas na tirahan.
- Panghihikayat ng mga kapamilya o kamag-anak na matagal nang naninirahan sa ibang bansa.
- Pag-aaral o pagkuha ng mga teknikal na kaalaman partikular sa mga bansang industriyalisado.
- Malaking porsiyento ng mga migranteng nangingibang-bansa ay tinatawag na economic migrants o mga taong naghahanap ng mas magandang pagkakataon upang mapaunlad ang kanilang kabuhayan.
- Nais na umiwas sa labanan, prosekusyon o karahasan, at gutom na sanhi ng mga kalamidad.
#CarryOnLearning