👤

Anong mga batas ang nagproprotekta sa mga prodyuser?​

Sagot :

PAGKONSUMO

Mga batas na nangangalaga sa kapakanan ng mga mamimili:

1. REPUBLIC ACT 7394 o Consumer Act of the Philippines 1992 - pagbibigay ng mga impormasyon at edukasyon sa mga konsyumer.

Nakasaad dito ang mga karapatang ng mga mamimili:

a. Karapatan sa pangunahing pangangailangan
b. Karapatan sa kaligtasan
c. Karapatan sa impormasyon
d. Karapatang makapamili
e. Karapatan sa representasyon
f. Karapatan magwasto ng pagkakamali
g. Karapatan para sa edukasyong pangmamimili
h. Karapatan magkaroon ng isang kaaya-ayang paligid

2. BATAS REPUBLIKA BLG. 7581 - Batas sa Price Tag

3. BATAS REPUBLIKA BLG. 3740 - Batas sa Pag-aanunsyo

4. BATAS REPUBLIKA BLG. 3452 - batas na nagtatag ng National Grains Authority na may tungkuling bumili ng mga palay sa mga magsasaka at ipagbili ang mga ito sa mga mamimiling Pilipino sa murang halaga.

5. Article 188, 189 (Revised Penal Code of the Philippines) - May pananagutan ang mga prodyuser ng mga pagkain, inumin at iba pang produkto na nakakapinsala sa katawan, kalusugan at buhay ng mga mamimili bunga ng mga sangkap na ginagamit sa paglikha ng produkto.

6. Article 1546 (Civil Code of the Philippines) - Ang sira, depekto at pinsala ng produkto ay hindi dapat itago sa mga mamimili. Ang batas na ito ang nagbibigay-garantiya na walang nakatagong pinsala ang isang produkto.