👤

sumulat ng isang salaysay na naglalarawan ng pagdiriwang o okasyon mula sa sariling kultura o paniniwala​

Sagot :

Answer:

Ang araw Ng pasko

Explanation:

kasi Ang Pasko para sa akin ay masaya dahil ito yung pagkakataon na nagkasama-sama ang Pamilyang Pilipino. Ito rin yung isa sa pinaka gusto kong okasyon kasi ito yung araw ng pagmamahalan at pag-iibigan sa isa’t-isa. Ito rin yung panahon na nagbabakasyon ang mga magkakamag-anak ang ilan pa nga sa ating kababayan ay pinupuntahan pa nila ang mga kamag-anak kahit sa malalayong lugar para sila ay kumustahin at bisitahin at sa gayun ay makipagbonding kasama sila. Ang Pasko para sa akin ay isang makulay na okasyon kaya marami sa ating mga kapwa Pilipino ang hindi mapakali kapag wala ni isang katiting na dekorasyong Pamasko sa kanilang bahay. Kaya pagdating palang ng buwan ng Oktubre ay hinahakot na ang maraming dekorasyong Pamasko sa bodega o kung saan nila nililigpit ang kanilang mga dekorasyong pamasko para makuha nila ang mga parol, Christmas Tree, at Christmas lights upang ito’y maisabit sa kanilang mga pinto at sa mga bintana ng kanilang tahanan. Ang iba pa nga sa mga Pilipino ay gumagastos pa ng mga paputok tulad ng fireworks display para lang mas masaya nilang sasalubungin ang araw ng Pasko.